|
Nothing's forever.
Jeanky Rose Juan Palabrica. :) Eighteen. Filipina. Cuddly. An accountant DAMER. MASCIAN. FIGHTING MAROON. Plurk || Facebook || Twitter Home Ask Archive Love Personal Reblogs Food Theme |
CHIKA CHIKA CHIKA.
Oyeah. Magkkwento nalang ako ng kalungkutan ko these days. HAHAHA Oo kalungkutan talaga. Well may tatlong bagay nalang akong ibabahagi. UNA. Dysmenorrhea. Siyempre eto yung ‘pinakamababaw’ na rason na maibibigay ko kung bakit madrama ako. Hahahaha pero srsly, masakit talaga. Dati naman di ganto kasakit pero ewan ko ba, nakikibagay yata sa panahon tong sakit. Anodaw hahaha. PANGALAWA. I feel empty. Eh kasi ang empty din ng bahay. Yung tipong 10 PM na tapos wala pa rin kaming kasama ni Jackielyn sa bahay. Yung dapat tulog na kami pero di namin magawa kasi baka kung anong mangyari. Grabe talaga yun. Buti nga umuwi si mama nung gabing yun, kasi dko talaga alam gagawin ko kapag kami lang yung matira sa bahay. Alam niyo ba yung feeling na mag-isa ka? Yung tipong nanonood ka ng isang family-related na movie tapos ikaw lang yung nanonood. Nakakaewan lang. Di naman sa lugmong-lugmo lang ako, ayaw ko lang talaga ng ganung feeling. Last Tuesday ata yun, nung biglang dinala si lola sa ospital, di raw makahinga. Hanggang ngayon, nandun pa rin siya, at mukhang magtatagal pa. May pneumonia raw si lola ngayon, kaso may pilay si lola kaya mas hirap sila gumalaw. May nangyari kasi noon na tipong position o postura ni lola sa paghiga ay baluktot na. Pero siyempre kaya ni lola yan, nananalig ako dun. Atat na atat na nga akong makabalik sila, para kahit puro sila bangayan ni lolo, may ingay na akong naririnig. Feeling ko kasi ang gloomy ng tahimik. Basta yun. Lastly, ang PANGATLO. It’s a bit depressing na malapit na yung birthday ko, tapos ganito. Daming chenes. Minsan nga naisip ko dapat bang magcelebrate/magparty eh nasa ospital nga si lola. Eh kaso naman matagal ng plano yun, so lola will understand. Pero ang mas nakakastress ay yung nalaman kong maraming hindi makakapunta. Yung tipong sa 30+ na inimbitahan ko, 11 palang yung sure na sure. (15 kasi siya dun sa event, -4 dahil kasama na ako, si Jackie, si Tita Julie at si Raprap (na pinsan ko) dun.) Although alam kong may mga sure na pupunta dun sa (Invited) iba, meron pa rin talagang hindi pwede. Eh wala naman akong magagawa, iintindihin ko nalang. In the first place, understanding daw ako. HAHAHAHA. =)) De pero naiintindihan ko naman na may mga Summer echos. or malayo. or di pinayagan. Nakakalungkot lang na yung mga gusto kong makasama sa birthday ko, wala hindi kumpleto. Owell ganyan talaga ang buhay. Time heals all wounds ika nga nila. Haha walalang may ma-i-quote lang. Pero sure naman akong magiging masaya pa rin ung 18th birthday ko, with those good and true friends I have. :D |