Outing! <3 (1)

April 28 - 29, 2012

Ang araw ng Einstein. Hahaha. Medyo matagal na araw din ang hinintay bago ito matuloy. Maraming pupunta noong una, hanggang sa isa-isa silang nalagas. At ayun, naging SIYAM na lamang kami. Dapat kasi kasama si Epep (carlaff.tumblr) kaso aun nalate ng gising at hindi na pinasama ng nanay niya kasi inuubo raw. Wala naman kaming magagawa diba? Hahahaha.

8AM ang kitaan sa McDo UN. Nandun ako ng bandang 7:30? Hahahaha. Tas aun nauna pa pala sa akin sina Marwin at Gerger. So yun dumating na sina Manay, Gerx, Vangie at Jen. Si Jen, ang huling nakarating ang siyang may pinakamalayong bahay sa amin. Yung tipong sa Rob lang nakatira, oh diba ang layo? HAHAHA.

Yun nung makumpleto na kami, bumili kami ng makakain/maiinom sa Cham’s Convenience Store. Dapat kasi sa SaveMore eh, kaso mas malapit ung Cham’s kaya dun nalang daw. After nun, gora na kami sa LRT Line 1 patungong R. Papa at nag-abang ng German Espiritu Liner na bus papuntang Bulakan, Bulacan. Aun katabi ko nun si Gerx, tapos nasa likuran namin ung iba.

Vangie. Ger. Manay. Jen. Marwin. (from left to right) Abot tenga mga ngiti ohhh hahahaha bukod kay Manay =)))

Aun puro chika at tawanan ang ginawa namin dun sa bus. Feeling ko nga nabwisit samin ung ibang pasahero. Hahaha. Tas aun nag-iba kulay ng balat ko sa braso. Medyo andun kasi ako sa window side kaya ayun hahahaha nababad sa araw. =))

yan oh. hahahaha may itim ekek na. =)))

Gerald. Jayrald. Gerard. Justin. Evangeline. Marwin. (Sayang wala si Jen =)))

Pagdating ng terminal, tinext ko na si Arriane. Sinundo kami ng Kuya niya at gumora na sa bahay nila. Hahahaha. Aun. Kainkainkain. Nomnomnom. Ang sarap ng mga pagkain nila, as usual. Carbonara, Pork chop, Adobo, rice ang aming kinain. Pinakapaborito ko talaga yung Ref Cake, dun ako naka2 servings. HAHAHA.

Medyo mataas ang sikat ng araw ng mga panahong iyan kaya napagpasiyahan namin mag night swimming na lamang. Ayaw namin mangitim eh Hahahaha. Aun nagcheck na kami ng mga pera kasi baka kulangin since hindi naman night swimming ang usapan pero yun okay naman. So aun buti nalang nagdala ng maraming DVDs si Vangie kaya nanood muna kami. Una naming pinananood ay Titanic, inaantok ako nung mga oras na iyan eh. Kaso maganda ung palabas kaya pinanood ko na. Hahaha. kakahumaling kagwapuhan ni Jack Dawson. After nun, In Time naman ang pinanood namin. Hahahaha pagkatpos manood. Pumunta na kaming Jogima Resort hahaha ang saya lang talaga nun. Kahit konti kami, enjoy pa rin. Hahahaha.

Yan nangongolekta na ng bayad si Arriane (the lady in black) Siya ang nagpatuloy sa amin sa kniyang munting bahay. Hahahaha.

Yuuuuuuuuuun. Swimming naaaaaaa. Tig-150 bayaran namin Hahahaha. Walalang shareeeee. Pagdating dun sa table namin, palit na kaagad kami ng damit. Magkasama kami ni Vangie nun, naghahanap ng shower room. Magka-Holding Hands pa kami nun para sweet hahaha. <3 Tas nung may nadaanan kaming lipon ng mga kalalakihan. May nagsabi na, “Halika na. *lakadlakadlakad*” tapos aun hinigpitan ko hawak ko kay Vangie. Para kasing sumusunod sa amin HAHAHA Eh wala naman kaming mga lalaking kasama kaya aun bumalik nalang kami. Aun dun nalang kami nagbuhos sa may CR. May tubig naman dun so ayos na rin. Hahahaha.

Ang sarap magswimming hahahaha grabe walang araw kaya naenjoy ko yung tubig. Tas may slide. HAHAHA Grabehan yung slide na yon. Mukha akong tanga. Hindi ko alam ung nangyari sa akin eh, nakapikit kasi ako. Ansabi lang nila nag-exhibition daw ako. Hindi ko alam kung paano pero okay lang hahahahah naenjoy ko talaga. =))) Aun. Tapos nag-Adam’s Family din kami sa tubig. Tapos ang sabaw nung grupo namin. Mali-mali. Hahahahaha. Tas bilang ending, lumusot kami sa ilalim ng bwat grupo. HAHAHAHA. Ang sayaaa talaga. :D <3

Aun na pictorial na. hahahaha. And dahil ako ang may cam, ako ang nagpictureee. So wala kayong makikitang mukha ko diyan, HAHAHA.

Check other pics in my facebook nalang. =)))

Ayuuuun. Mga 10 na kami nakaalis dun sa resort. AT GRABE ANG SAYAAAAA…. 

P.S. Abangan ang susunod na kabanata. HAHAHAHA. Pabitin munaaaa. :D






FYEAHSWAGG Theme By: ©FYEAHSWAGG